P340 libong halaga ng shabu, nasabat ng Muntinlupa police

Nagsisisi ngayon ang isang lalaking nahulihan ng P340,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu o tinatayang 50 gramo, makaraang madakip sa isinagawang buy-bust operation ng Muntinlupa City Police sa ilalim ng pamumuno ni Pol. Col. Angel Garcillano.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Pol. Lt. Roderick Tubon kasama ang Station Drug Enforcement Unit, kung saan nadakip ang suspek na nakilalang si Vincine Rictin, alyas Nonoy, 23 anyos, taga Esporlas itaas, Barangay Putatan ng nabanggit na Lungsod.

Base sa ulat, dakong alas 7:50 kagabi nang madakip ito sa Soldiers Hills, Putatan dahil sa pagbebenta umano ng nabanggit na iligal na droga.

Narekober sa suspek ang isang piraso ng 1,000 pesos bill na ginamit bilang buy-bust money, at 7 pirasong sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang plastic bag na pinaglagyan nito.

Report ni Betheliza Paguntalan

Please follow and like us: