Pa – Australia Ka Ba ?

Mga kapitbahay, kasama ba sa bucket list ninyo ang pagpunta sa Australia? Puwedeng pupunta doon dahil sa nais na  makapag-aral  o makapagtrabaho o makapanirahan na!

Tamang-tama , sa interview ng Let’s Get Ready To TVRadyo  ay napag-usapan ang tungkol dito dahil isang Migration Agent, si Ms. Johanna Bertumen Nonato  ang nakakwentuhan nina Mr. Nelson Lubao at Mr. Don Orozco.

Sa tanong na open ba ang Australia sa migrants? Ang sagot ni Ms. Johanna …. definitely.

Pero, ang Australia ay hindi katulad ng Middle east  na may ‘job order’ o agency. 

Ang kailangan ay may sponsored visa.  May mag-sponsor na employer at kailangang ma-meet ng employer ang requirement  at dapat kasama sa occupation list.

At maraming gastusin ang employer na mag-sponsor.

Maraming Pinoy  ang nasa Australia sabi ni Ms. Johanna, sila ay mga naka temporary visa gaya ng mga estudyante  o may student visa. 

Samantala, dahil sa pandemic kinulang ang mga skilled worker kaya  ‘yung mga employer ay nag-sponsor ng Pinoy workers  na nasa Australia na   at  nabigyan ng working visa.

Mahalagang isang migration agent aniya ang makausap ng isang nagnanais na magpunta sa Australia para makaiwas sa mga panloloko o maharap  sa mas maraming gastusin.

Ang problema kasi kapag ang nakausap mo ay walang expertise, kaya marami ang naloloko.

Marami aniyang klase ng advisors, kaya mas mabuting isang migration agent or immigration lawyer  ang kausap dahil may expertise  sa visa legislation.

Samantala , sabi pa ni Ms. Johanna maaari namang magpunta sa website ng Department of Home Affairs ng Australia o sa kanilang website, BridgeAus migration consultancy  at naroon ang basic information  kung paano mag-migrate sa Australia  at mapapanood din siya sa You Tube Channel.

Ang normal na gagastusin sa pagpunta ng Australia, Sabi ni Ms. Johanna para sa  skilled worker  ay nasa P 350-500 thousand pesos dahil sa maraming bayarin.

Pero, ang kapalit naman ay permanent residency visa, counterpart ng green card  holder sa Amerika.

Pero, kapag gustong mag-aral, mas mahal, kasi expensive ang mag-aral sa Australia kumpara sa Pilipinas.

Naitanong din nga pala  sino ang madaling makapasok ng  trabaho sa Australia?

Ang sabi niya ay engineers, teachers, welders, at ngayong pandemya, ‘yung mga nasa medical field  like nurses, social workers.

Dagdag pa nga ni Ms. Johanna  na ang permanent residency visa ay may expiration  after the fifth year, you can either renew it or on your fourth year sa Austrealia,puwede ng mag apply ng citizenship or Australian citizenship.

So, ayan na mga kapitbahay, at least nagkaron tayo ng additional info sakaling may magtanong kung paano sila makapupunta sa Australia maliban sa pagsakay sa eroplano, he he  he. Until next time !

Please follow and like us: