Paalala ng PNP: Mag-ingat sa ‘Dura Boys’

LUNGSOD QUEZON, Agosto 15 (PIA) – Muling nagbigay paalaala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa modus operandi ng mga ‘Dura Boys.’

Ayon sa pulisya, ang grupong ito ay madalas sumalakay sa mga pampublikong transportasyon gaya ng bus at jeep, maging sa mga terminal.

Kalimitan ang grupong ito ay may tatlong miyembro kung saan isa sa kanila ay sasabihan ang pasahero na may dura sa kanyang damit.

Habang abala ang biktima sa pagpunas sa kaniyang damit, ang ibang mga miyembro ay saka naman nanakawan ang biktima. Kalimitang kinukuha ng grupo ay wallet o mobile phone.

Payo rin ng PNP na maging alerto sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan. (PNP/JEG/PIA-NCR)

– See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/241439531526/paalala-ng-pnp-mag-ingat-sa-dura-boys-

 

Please follow and like us: