Paanakan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila pansamantalang isinara

Inanunsyo ng Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila na pansamantalang sarado ang kanilang paanakan.

Sa isang advisory, sinabi ng ospital na simula 12:00 ng tanghali kahapon Setyembre 27, ay pansamantalang isinara ang kanilang paanakan.

Ayon sa ospital, ang bed capacity nila para sa paanakan ay 59 lamang, pero ang naka-admit sa kanila na nanganak ay nasa 75.

Kaya naman payo ng ospital sa mga pasyenteng manganganak na planong magpunta sa kanila na sa ibang pagamutan na muna magtungo.

Magbubukas muli ang kanilang paanakan sa oras na makapagpauwi na sila ng pasyenteng nanganak at sanggol nito.

Madz Moratillo

Please follow and like us: