Pag-aaral ng DOST sa VCO kontra Covid 19, nagpapatuloy

Approved na Food supplement o o tinatawag na functional food ng FDA ang Virgin Coconut Oil (VCO).

Ito ang inihayag ni Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development o PCHRD – DOST sa panayam ng Balitalakayan.

Ayon kay Montoya, maganda ang naging resulta sa isinagawang Clinical Trial sa VCO bilang food supplement na ibinigay sa mga Covid-19 patients sa Sta.Rosa Community Hospital.

Mas mabilis aniya ang paggaling ng mga Covid patients na nabigyan ng VCO.

Ayon pa kay Montoya, tuluy-tuloy pa rin ang clinical trial na isinasagawa sa mga nasa mild to severe cases ng Covid 19 na naka-confine sa Philippine General Hospital.

Binanggit na din na pinag-aaralan na rin ang VCO na ibigay sa mga may comorbidities kung ito ay makatutulong din sa kanila para sa kanilang karamdaman.

Idinagdag pa ni Montoya na kahit na umiinom ng VCO, hindi pa rin dapat na itigil ang pag-inom ng kanilang maintenance.

Sa huli, nagpaalalang muli si Montoya na kahit nabakunahan na ay nararapat pa ring sundin ang mga health at safety protocol na ipinatutupad ng gobyerno tulad ng pagsusuot ng facemask, faceshield, laging paghuhugas ng kamay at physical o social distancing lalo na kapag lalabas ng bahay.

Belle Surara

Please follow and like us: