Pag-aresto kay Sen de Lima babala sa mga political critic ng Administrasyon – Sen. Trillanes

16935672_120300002302094305_1207242530_o

Tinawag ni Senador Antonio Trillanes na iligal ang ginawang pag aresto kay Senator Leila de Lima.

“The primary objective of the illegal arrest of Sen de Lima is to send a chilling message to the political opposition and critics that they could be next. well, the effect to me is exactly the opposite”. – Sen Trillanes

Ipinapakita rin aniya ng ginawang pag-aresto na ang pangunahing objective ng gobyerno ay ipakulong ang sinumang lantaran at  bumabanat  sa administrasyon.

Pagtiyak ni Trillanes hindi sya titigil sa pagkalkal sa mga anomalyang kinasasangkutan ni Pangulong Duterte at patutunayan niya na isa itong plunderer at mass murderer.

Dismayado rin si Senador Bam Aquino sa  tila pag railroad ng administrasyon sa proseso ng batas para lamang sa political vendetta.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.