Pag-Asa, nakapagtala ng alarming level Heat index

Umabot na sa alarming level ang matinding init na nararamdaman sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa Pag-Asa, naitala kahapon ng 11:00 ng umaga sa San Jose, Occidental Mindoro ang 34.6  degrees celsius na aktuwal na temperatura o 44.3 degrees celsius na heat index.

32.2 degrees celsius o 43.4 degrees celsius heat index  naman sa Dauis, Bohol at 33.2 degrees celsius o 43.2 degrees celsius naman na heat index sa Dagupan, Pangasinan, dakong  2:00 ng hapon.

Dahil dito, binalaan ng Pagasa ang publiko laban sa posibleng Heat stroke at pinayuhang uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang Dehydration.

Samantala, sa Metro Manila naman, naitala ang  36.8 degrees celsius na Heat index o actual temperatura na 30.6 degrees celsius sa Port area Maynila, dakong  11:00 rin ng umaga.

 

================

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *