Pag-imprenta ng mga balota para sa Brgy. at SK polls tuloy ayon sa Comelec

Itutuloy pa rin ng Comelec sa susunod na buwan ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, BSKE.

Ito ang inihayag ni Comelec Chairman George Garcia sa kabila ng mga panukala para sa pagpapaliban ng Brgy. at SK elections.

Ayon kay Garcia tuloy pa rin ang kanilang mga preparasyon hanggat wala pang naipapasang batas para sa postponement nito.

Ang BSKE ay nakatakda sa Disyembre 5.

Tiniyak naman ni Garcia na matuloy man o hindi, walang masasayang na pera dahil puwede pa naman itong gamitin sa susunod na halalan.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: