Pagbabalik operasyon ng Angkas, Joyride at Move it, pinayagan na ng IATF

Balik operasyon na ang motorcycle taxi na Angkas, Joyride at Move It bilang bahagi ng Public Transportation sa gitna pa rin ng Covid-19 Pandemic.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pinagtibay sa pinakahuling pulong ng Inter Agency Task Force o IATF ang resolusyong nagpapahintulot sa pagbabalik pasada ng mga motorcycle taxi.

Ayon kay Roque ibinatay ng IATF ang desisyon matapos  payagan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ituloy ang pilot study sa paggamit ng mga motorcycle taxi bilang bahagi ng mode of transportation sa bansa.

Magugunitang natigil ang operasyon ng mga motorcycle taxi noong Abril dahil natapos na ang provisionary authority na ibinigay ng Kongreso bilang pilot testing at nasabay pa sa ipinatupad na lockdown sa bansa dulot ng Covid-19 Pandemic.

Niliwanag ni Roque kung walang Provisionary Authority ng Kongreso sa paggamit ng motorcycle taxi lalabag ito sa umiiral na Land Transportation Traffic Code o Republic Act 4136.

Vic Somintac