Pagbabalik trabaho ni Supt. Marvin Marcos bilang pinuno ng CIDG Region 12, hindi pa permanente – PNP

Hindi pa permanente ang pagbabalik trabaho ni Supt. Marvin Marcos bilang pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group sa Region 12.

Ito ang ipinaliwanag ni Philippine National Police Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos.

Ayon kay Carlos, depende pa ito sa magiging resulta ng itinatakbo ng kasong kriminal ni Marcos sa Korte.

May tsansa pa aniya na masibak sa serbisyo si Marcos kapag hindi naging paborable sa kanila ang naging desisyon ng Korte.

Si Marcos ay una nang kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., subalit naibaba ito sa homicide.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *