Pagbabawal ng indoor smoking ng e-cigarettes, nais ipatupad ng W.H.O

Pinatunayan na ng mga pag aaral na ang paninigarilyo ay makapipinsala ng kalusugan at maging ang paghitit sa pamamagitan ng vape o electronic cigarettes.

Kaya naman, nais ng World Health Organization na ipagbawal   ang  indoor smoking ng e-cigarettes.

Ayon sa WHO  ipinagbawal na ang vaping sa  mga enclosed  public places tulad ng bar at restaurants  at iba pang workplace sa may dalawampu at limang mga  bansa.

Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Paulyn Ubial na bukas ang kagwaran sa rekomendasyon ito ng WHO.

Sisikapin  aniya ng kagawaran na maipatupad ang nabanggit na pagbabawal sa pamamagitan ng Food and Drug Administration o FDA.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *