Pagbabawal sa field trip binawi na ng Commission on Higher Education

Inalis na ng Commission on Higher Education o CHED ang ipinatupad na moratorium sa pagsasagawa ng  field trip sa mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni CHED Commissioner Prospero de Vera na naging epektibo na ang desisyon noong Agosto 8.

Ayon kay de Vera mas mahigpit na patakaran ang ipatutupad ng CHED sa mga off-campus activities.

Magugunitang pinigil muna ng CHED ang pagsasagawa ng field trip noong Pebrero kasunod ng malagim na aksidente ng isang bus na sinakyan ng mga mag-aaral ng Bestlink College sa Novaliches Quezon City kung saan mahigit sampung mag-aaral ang namatay.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *