Pagbaligtad ng suspek sa San Jose del Monte Bulacan masaker, inaasahan na ng padre de pamilya ng mga biktima

Hindi na ikinagulat ng naulilang si Dexter Carlos na magbabago ang testimonya ni Carmelino Ibañez alyas Miling.

Sinabi ni Carlos na sinungaling ang suspek kaya asahan na paulit-ulit niya itong gagawin.

Ayon pa kay Carlos, dapat lamang na mabitay ito dahil sa nagawang karumaldumal na pagpaslang.

Nauna nang hiniling ni Carlos kay Pangulong Rodrigo Duterte na sakaling maibalik ang death penalty ay nais niyang unang masampulan nito ang pumatay sa kanyang pamilya.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *