Pagbibigay ng mas mataas na Fuel discount, pag-aaralan ng DOE

 

Posibleng ikonsidera ng Department of Energy (DOE), ang pagpapalawig sa pagbibigay ng fuel discount sa mga pampasaherong sasakyan.

Sa harap na rin ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ito ay bilang tulong na rin sa mga naapektuhang Public Utility Vehicle drivers.

Sinabi pa ng kalihim, na pinag-aaralan na rin nila ang posibilidad ng pag-aangkat ng mas murang petrolyo mula sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas.

Giit ni Cusi, nanggagaling pa sa ibayong dagat ang malaking bahagi ng petrolyo na ginagamit sa bansa.

Ito aniya ang dahilan kung bakit wala silang magawa, kundi sumunod sa paggalaw nito sa pandaigdigang merkado.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *