Pagbubukas ng klase sa Lunes, June 3, tuluy na tuloy na – DepEd

Tuluy na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa Lunes, June 3.

Ayon kay Education secretary Leonor Briones, isang taon ang ginawa nilang paghahanda para sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2019-2020.

Enero pa lamang ngayong taon ay nagsagawa na aniya ang kagawaran ng pre-registration para mabigyan ng pagkakataon ang mga nais umiwas sa dagsa ng enrollees.

Bukod dito, mayroon din silang online pre-registration system para sa mga may katanungan at problema na naresolba na ng maaga.

Gayunman, nagkaroon ng kaunting delay sa pagkumpuni at pagtatayo ng karagdagan pang mga school buildings dahil sa na-delay din ang paglagda sa 2019 National Budget.

Aabot aniya sa 47,000 mga Public schools sa buong bansa ang magbubukas ngayong school year.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *