Pagdaan sa Tubbataha Reef, bawal na – PCG

Hindi na pahihintulutan ng Philippine Coast Guard ang pagdaan at pagpasok ng mga barko sa Tubbataha Reef na deklaradong Marine  Natural Park sa Sulu Sea.

Ang Tubbataha reef ay deklarado ring UNESCO World Heritage Site.

Ayon kay PCG Spokesman, Commander Armand Balilo, inaprubahan na ng International Maritime Organization Sub-Committee on Navigation Communications and Search and Rescue ang panukala ng Pilipinas na ipagbawal na ang mga barko sa naturang lugar.

Dahil dito, kumpiyansa  si Balilo na mapo-protektahan na ang marine environment sa Tubbataha.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.