Paggamit ng vape lalu sa na sa mga menor de edad, pinalilimitahan

Nais ni Senador Ralph Recto na limitahan ang paggamit ng vape sa bansa lalu na sa mga menor de edad.

Naghain si Recto ng Senate Bill 1951 para sa pagtatakda ng minimum age restriction sa mga maaaring maka-access sa produkto.

Nakapaloob rin sa panukala ang regulation sapag-impot, naufacturing at distribution ng mga Vaporized Nicotine products.

Sa panukalang batas, bago makabili ng produkto dapat aniyang pagpakita muna ng kanilang Government issued ID ang isang customer at dapat lagpas na sa 18 taong gulang.

Bukod sa age restriction, sinabi ng Senador na dapat ring ipagbawal ang paggamit ng mga e-cigarettes at iba pang smoking devices sa mga eskwelahan, ospital, mga tanggapan ng gobyerno at mga pasilidad kung saan may mga bata.

Sakaling maging batas ang mga lalabag ay maaaring patawan ng 150,000 hanggang 500,000 pisong multa at pagkakabilanggo ng hanggang 5 taon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: