Paghahanda para sa SONA ng Pangulong Duterte, sinisimulan na ng MMDA

Inuumpisahan na ng MMDA ang paghahanda para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Sinabi ni MMDA Special operations group head Bong Nebrija, maaaga nilang sinimulan ang paglilinis sa ilang daanan dahil sa marami ang kanilang kailangan pang tutukan.

Isa na rito ang pagpapaluwag ng daan sa IBP road at ilan pang bahagi na apektado ng mabigat na daloy trapiko bunsod ng konstruksyon ng MRT -7.

Hindi rin nakaligtas ang mga pasaway na motorista sa MMDA tulad na lamang ng isang dating Kongresista na nagpakilalang si dating Pampanga Representative Migdo Lingad.

Ayon kay Nebrijia paglabag sa number coding ang naging violation ni Lingad kaya’t hiningian nila ito ng lisensya at tinekitan.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *