Paghaharap ng kaso laban sa aktres na si Angel Locsin, for evaluation pa

Nanindigan si Barangay Holy Spirit Chairman Felicito Valmocina na nagkamali ang aktres na si Angel Locsin sa ginawa nitong paggamit sa Social Media para hikayatin ang milyun-milyon nitong folllowers para puntahan ang gagawing Community pantry noong Biyernes.

Sinabi ni Valmocina sa panayam ng Balitàlakayan na hindi lamang taga- Metro Manila ang dumagsa sa lugar maging ang mga taga-karatig na probinsya kaya umabot ng 10,000 ang tao.

Ayon sa Barangay Chairman, kung talagang mahal ni Locsin ang kanyang fans hindi nito dapat pinahintulutan na humaba ng humaba ang pila gayung ang ipamimigay lamang ay para sa 300 katao.

Matatandaang nauwi sa trahedya ang Community pantry na pinangunahan ng aktres matapos na mamamatay ang isang Senior Citizen na nakapila.

Sa ngayon ayon kay Valmocina ay ini- evaluate nila kung ano ang mga pagkakamali ng aktres para sa kaukulang hakbang.

Julie Fernando

Please follow and like us: