Pagkakabawi ng AFP sa Grand Mosque sa Marawi City, isang “Significant victory”

Itinuturing na “significant victory” ng Armed Forces of the Philippine o AFP ang pagkakabawi ng Grand Mosque mula sa teroristang Maute group sa Marawi City.

Isinagawa ang operasyon sa naturang lugar ilang oras bago ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes, August 24, 2017.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen Restituto Padilla, ang panunumbalik ng kontrol sa sentro ng naturang lungsod ay magbibigay ng lakas sa hukbo.

Bukod dito, makapagbibigay din aniya ito ng morale at pag-asa sa mga bakwit na makabalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *