Pagkuha ng RFID ng mga motorista sa NLEX, nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko

Isinagawa ngayong Huwebes, Nov. 26 ang pagbibigay ng RFID sa mga motorista sa NLEX Toll Plaza sa Balintawak.

Bunsod nito ay humaba ang pila ng mga sasakyan na naging sanhi ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng NLEX Balintawak.

Ang nakahilerang mga sasakyan ay isa-isang nilapitan ng NLEX staff upang bigyan ng registry form para sa pagkuha ng RFID, at dinikitan na rin ng sticker ang mga ito upang maging episyente ang pagbabayad sa toll fee.

Nagdulot man ng pagkainip sa ilang driver ang mahabang pila, ay alam nilang magiging epektibo naman ang RFID dahil hindi na kakailanganin ng face to face transaction, para na rin sa kaligtasan ng kalusugan ng mga motorista.

Ang deadline ng pagkuha ng RFID ay sa Disyembre a-dos ngayong taon.

Ulat ni Ruena Robles

Please follow and like us: