Paglagda ni PBBM sa promotions ng mga sundalo nakatulong para bahagyang humupa ang destabilisasyon sa hanay ng AFP

Tinutugunan na raw ng sandatahang lakas ang pag- aalburoto ng mga sundalo na dulot ng batas para sa fixed term ng Chief of Staff at iba pang commanders ng AFP.

Ayon kay Defense Secretary Carlito Galvez isa na rito ang pag-apruba at paglagda ni Pangulong BBM para sa promotions ng mga senior military officials bago ito magtungo sa Davos, Switzerland.

Nadelay aniya ang appointment at promotions ng mga sundalo dahil sa nagdaang eleksyon at transition mula sa Duterte administration sa kasalukuyang administrasyon.

Nauna nang inamin ng kalihim na lumikha ng destabilisasyon sa hanay ng mga sundalo ang batas para sa fixed term ng commanding generals.

Pero pagtiyak ni Galvez , professional ang mga sundalo at anumang mga hinaing ay ginagawa na nila ng paraan na target matapos ngayong Marso.

Gayunman apila nila sa Senado amyendahan na ang batas para hindi na maulit ang mga ganitong insidente.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *