Paglalahad ng Health Records, di maoobliga sa mga tumatakbo sa pagkapangulo

Hindi umano kasama sa mga qualifications para makatakbo sa mataas na posisyon ang kalusugan ng isang kandidato. Dahil dito sinabi ni Election Lawyer, Atty. Romulo Macalintal na walang makakapag-obliga ngayon sa isang kandidato na isiwalat ang kaniyang totoong health conditions.

Bagamat mayroon ng ibang mga kandidato ang handang maglahad ng kanilang mga health record ay hindi ito dapat ipagpilitan ng COMELEC o ng ibang ahensiya ng gobyerno.

Naging usapin ito, ilang araw matapos masawi ang isa sa mga kandidato sa pagkapangulo, habang may iba pang kandidato na una ng lumutang ang issue sa kalusugan, ngunit patuloy pa rin sa mga aktibidad ukol sa kanilang kampanya.

Please follow and like us: