Paglikha ng mga Special Court na lilitis sa mga Pulis, isinusulong sa Senado

Nais ni Senador Richard Gordon na magkaroon ng hiwalay na Korte na lilitis sa mga pulis na nahaharap sa ibat-ibang mga kaso.

Naghain na si Gordon ng Senate Bill no. 1828 na layong magtatag ng Police Law Enforcement Court o Police court na hahawak sa mga kasong sibil at kriminal.

Kasama na rito ang mga pulis na naakusahan ng pang-a-abuso, paglabag sa karapatang pantao at paglabag sa Rules of Engagement.

Sa panukalang batas, ang Korte Suprema ang tutukoy sa itatatag na Police Court mula sa mga kasalukuyang Regional Trial Courts bukod pa sa Appellate court kung saan maaaring iapela ang kaso.

Sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang paglilitis, pagsibak at pagpapataw ng parusa laban sa mga pulis na umabuso sa kapangyarihan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: