Pagpapalakas sa National Prosecution Services suportado ng liderato ng kamara

0
Pagpapalakas sa National Prosecution Services suportado ng liderato ng kamara

Courtesy: Office of the House Speaker

Nangako si House Speaker Martin Romualdez, na isusulong ng Kamara ang kapakanan at pagpapalakas sa National Prosecution Service o samahan ng mga piskal na pinamumunuan ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.

Sinabi ni Romualdez na kinikilla ng lehislatura ang sakripisyo at dedikasyon ng mga piskal para maipatupad ang Criminal Justice System ng bansa.


Courtesy: Office of the House Speaker

Ayon kay Romualdez, ihahabol ng kamara sa pagsasabatas ang Hazard Pay for Prosecutors Act at ang House Bill 117, para itaas ang suweldo ng public prosecutors upang mabigyan ng karampatang kompensasyon ang sakripisyo ng mga piskal, na kung minsan ay nalalagay sa panganib ang buhay pati ng kanilang pamilya.

Ang prosecution ay isa lamang sa haligi ng Criminal Justice System sa Pilipinas.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *