Pagpapalawig ng ECQ sa NCR, masyado pang maaga para pag-usapan – DILG

Masyado pang maaga para pag-usapan kung kailangang palawigin ang ipinatutupad na 2 linggong Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na bukas ay magpupulong sila ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Nauna kasing nagpahiwatig ang Malakanyang ng posibleng pagpapalawig ng ECQ sa Metro Manila habang ang Department of Health ay nagpahayag din ng posibilidad ng ECQ extension.

Sinabi rin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na nakahanda ang kanilang puwersa sakaling magpatupad ng ECQ extension.

Sabi ni Año na ang Metro Manila mayors at IATF ang nasa posisyon para magpasya ng nasabing pagpapalawig.

Please follow and like us: