Pagpapaliban sa Brgy at SK elections, pinagtibay ng House Comm. on Suffrage and Electoral Reforms

Inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Congressman Maximo Dalog Jr. ang panukalang batas na ipagpaliban ang December 5, 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa pagdinig ng Komite, 12 Kongresista ang bumoto ng pabor at 2 ang tumutol.

Napagpasyahan ng Komite na sa unang Lunes ng December 2023 isasagawa ang Barangay at SK elections.

Ang mga mananalo sa halalan na mga bagong opisyal ng Barangay at SK ay magsisimula ang termino sa January 1, 2024 para sa 3 taong termino.

Ngayong 19th Congress aabot sa 38 panukalang batas ang inihain na nagsusulong na ipagpaliban ang December 5, 2022 Barangay at SK elections.

Kaugnay nito aprubado rin ng Komite ang probisyon para i-repeal ang kasalukuyang batas para sa December 5, 2022 elections, at isinama na ang holdover positions kung saan ang mga incumbent o kasalukuyang opisyal ng mga Barangay at SK ay mananatili hanggang mahalal ang mga bagong opisyal sa December 2023, maliban kung sila ay tinanggal sa puwesto.

Vic Somintac

Please follow and like us: