Pagpaparehistro ng mga Simcard dapat gawing simple ayon kay Senador Grace Poe

Umaapila si Senador Grace Poe sa Telecommunications companies na gawing simple madali ang pagpaparehistro ng mga Prepaid simcard.

Sa harap ito ng pagsisimula ng Simcard registration batay sa itinatakda ng Republic Act 11934 o Sim card Registration law.

Ayon sa Senador na pangunahing ay akda ng batas, tulad ng pagpapadala ng text messages, dapat ganito kadali ang registration para hindi na mahirapan lalo na ang mga subscriber na walang sapat na kaalaman sa teknolohiya.

Kailangan aniyang hindi kumplikado ang mga proseso, paraan at portal para sa pagpaparehistro at dapat may proseso para mga walang internet connection.

Nanawagan naman ang Senador na palawakin pa ang information drive para maabot ang lahat ng mamamayan sa buong bansa at matiyak na hindi makokompromiso ang kanilang mga datos.

Bukas ang itinakdang pagsisimula ng simcard registration na inaasahang tatagal sa loob ng isandaan at walumpung araw o anim na buwan.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *