Pagsasabatas ng Death penalty muling inihain sa Senado

Pursigido si Senador Ronald Bato Dela Rosa na maisulong ang pagsasabatas ng Death penalty sa mga drug traffickers.

Inihain ito ng Senador at natalakay na sa nakaraang 18th Congress pero bigong maaprubahan ang panukala ay kasama sa top ten priority bills na inihain ni Dela Rosa ngayong 19th Congress.

Bukod sa Death penalty, nais ng Senador na maisabatas ang drug abuse prevention treatment and rehabilitation at mandatory rotc sa lahat ng junior at senior high school sa buong bansa.

Pinaaamyendahan niya rin ang Partylist system, maitaas ang allowance ng mga guro at magkaroon ng security of tenure ang mga contractual employee.

Meanne Corvera

Please follow and like us: