Pagsasailalim sa MGCQ ng bansa , ibinasura ni Pangulong Duterte

Hindi magdi-deklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa buong bansa, hangga’t hindi pa gumugulong ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong gabi.

Ayon sa kalihim, batid ng pangulo ang kahalagahan ng pagbu-bukas ng ekonomiya, gayunpaman mas prayoridad aniya ng pangulo ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Nais rin aniya ni Pangulong Duterte na magsimula ang pagbabakuna sa pinakamabilis na panahon.

Vic Somintac