Pagsasaka at magkaroon ng sapat na pagkain ang mga Pilipino , prayoridad ni PBBM

Prayoridad ni President Elect Bong Bong Marcos ang pagsasaka at magkaroon ng sapat na pagkain ang mga Pilipino.

Ito ang pahayag ng mga Senador matapos magdesisyon si Marcos na pamunuan ang Department of Agriculture.

Ayon kay Senador Sonny Angara, prerogative ito ng Pangulo ngayong lalo pang tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi naman ni Senador JV Ejercito, katunayan ito na seryoso ang Pangulo na tugunan ang nagbabadyang krisis sa pagkain

Nnaniniwala si Senador Francis Escudero na dahil sa desisyon ni PBBM, mapuputol na ang redtape sa Department of Agriculture at mabibigyan na ng sapat na ayuda ang sektor ng agrikultura.

Meanne Corvera

Please follow and like us: