Pagsusuot ng uniporme hindi inuobliga ng Deped sa Agosto

Hindi obligado ang mga estudyante sa mga pampublikong eskwelahan na magsuot ng uniporme sa pagbubukas ng klase sa Agosto.

Ayon kay Vice president at Education Secretary Sara Duterte, hindi muna istriktong ipatutupad ang pagsusuot ng uniporme.

Ito’y para maiwasan ang dagdag na gastusin ng mga pamilya ng mga estudyante.

Lalo ngayong mataas ang presyo ng mga bilihin at bagsak na ekonomiya dahil sa epekto ng pandemya.

Sinabi ng kalihim kahit bago pa ang pandemya noong 2019 hindi inoobliga ang mga mag aaral na mag uniporme batay sa Deped order no 065.

Meanne Corvera

Please follow and like us: