Pagudpod, Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig din ng magnitude 4.4 na lindol ang Pagudpud, Ilocos Norte pasado alas siete ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na limang kilometro.

Naramdaman ang intensity 2 na lindol sa Claveria, Cagayan at Intensity 1 na lindol sa Laoag City, Ilocos Norte.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks ang naturang lindol.

 

Please follow and like us: