Pahayag ni Sen. Gordon na walang ginagawang aksyon ang PNP sa mga kaso laban sa riding-in-tandem criminals kinontra ni dela Rosa

Kinontra ni Philippine National Police Chief Police Director Gen. Ronald dela Rosa ang pahayag ni Sen. Dick Gordon na wala silang ginagawang aksyon lalo na sa mga kaso laban sa riding-in-tandem criminals.

Sinabi ni dela Rosa na posibleng hindi updated ang Senador sa mga accomplishments ng PNP lalo na sa mga riding-in-tandem.

Pagmamalaki pa ni dela Rosa, marami na silang accomplishments sa kanilang kampanya kontra sa riding-in-tandem, at marami na ang naaresto habang ilan dito ay nasawi.

Una rito, tinawag ni Sen. Gordon si dela Rosa na “batugan” dahil wala  itong ginagawa kaya patuloy sa pamamayagpag ang mga riding-in-tandem.

Gayunman, sinabi ni dela Rosa na nirerespeto niya ang mga puna at kung anu-anong mga pangalan na tinatawag sa kaniya pero aminadong napipikon din naman siya.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *