Pakikipag-dinner ng Senate Majority Bloc kay Pang. Duterte hindi loyalty check

Nilinaw ng Liderato ng Senado na hindi loyalty check ang ginawa nilang pakikipagpulong kagabi kay Pangulong Duterte.

Katunayan, sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto na pinag-usapan sa meeting ang tax reform package.

Ang tax reform package ang isa sa mga panukalang isinusulong ng Duterte administration para maayos ang sistema ng pagbubuwis.

Pero hindi makapagbigay ng detalye ang Senador kung personal na inihirit ng Pangulo ang pagpapalusot kayDENR Secretary Gina Lopez na nakabitin ang kumpirmasyon sa Commission on Appointments.

Ngayon na ang huling araw ng sesyon ng dalawang kapulungan kaya inaasahang ire-re appoint ng Pangulo si Lopez.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *