Pamahalaang lungsod, nagkaloob ng 3,978 WiFi devices sa DEPED San Jose Del Monte

Bilang pagsuporta ng pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte sa implementasyon ng Modular and Online Distance Learning, pinagkalooban nito ng 3,978 WiFi devices ang DEPED sa lungsod, na ipinamahagi sa mga pampublikong paaralan na sakop ng City Schools Division of San Jose del Monte.

Ito ay para maisulong ang may kalidad na edukasyon sa gitna ng pandemya, para sa bawat kabataang San Joseño.

Isinagawa ang turnover ceremony sa San Jose Del Monte Convetion Center, sa Brgy. Sapang palay Proper, sa pangunguna ng punong lungsod na si Mayor Arthur Robes at ni Congresswoman Rida Robes.

Ulat ni Cez Rodil

Please follow and like us: