Pamamahagi ng SRA sa mga Medical frontliner, sisimulan na

Masisumulan na ang pamamahagi ng Special Risk Allowance (SRA) para sa mga Medical frontliner.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 311 million na pondo para sa SRA ng may 20,000 Healthcare workers.

Sa pagdinig ng Senado, inanunsyo ni Duque na ida-download na ito sa mga ospital para direkta nang maipamahagi sa mga healthcare worker.

Pero tanging mga manggagawa na nangangalaga ng direkta sa mga Covid patient ang makatatanggap ng SRA batay sa itinatakda ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 Law.

Meanne Corvera

Please follow and like us: