Pamilya ng pinay na nasawi sa lindol sa Turkey, humihingi ng tulong sa pamahalaan na maiuwi sa bansa ang bangkay ng kanilang kaanak

Umapela ng tulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ama ng pinay na namatay sa lindol sa Turkey.

Ayon kay William Abulad, ang tatay ng nasawi sa lindol na si Wilma Abulad Teczan, nais sana nilang makita ang kanilang anak bago ito ilibing.

Kaya naman apela ng pamilya Abulad sa pamahalaan na maiuwi sa Pilipinas ang labi ng kanilang anak.

Si Wilma Abulad Teczan ay taga Lucena City na nakapag-asawa ng isang Turkish national.

Ayon pa sa ulat, sila ay nakatira sa Istanbul at isinama lamang siya ng kanyang amo sa Antalya District kung saan sila inabot ng trahedya.

Allan Llaneta

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *