Pampanga, nakapagtala ng 78 bagong recoveries mula sa Covid-19

Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang 78 na pasyenteng mga gumaling sa Covid-19.

Sila ay nanatili ng 14 araw sa Provincial Isolation Facility sa San Fernando city.

Pinangunahan ni Incident Commander of Pampanga Covid 19 Facilities Dr. Dax Tidula ang send-off ceremony sa mga nakarekober kung saan karamihan sa kanila ay magkakapamilya.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), nasa 11,131 na ang mga gumaling sa virus infection, samantalang 3,330 naman ang aktibong kaso habang 710 naman ang nasawi.

Sa kabuuan ay umabot na sa 15,171 ang mga naitatalang kaso ng Covid 19 sa lalawigan.

Dianne Canlas, EBC Correspondent

Please follow and like us: