Pananambang sa Mayor ng San Fernando Cebu, kinundena ng Malakanyang

Kinundena ng Malakanyang ang  nangyaring pananambang kay San Fernando Cebu Mayor Lakambini Reluya sa Barangay Linao, Talisay City.

Sa inilabas na statement ni Presidential Pokesman Salvador Panelo ang ganitong uri ng kultura ng karahasan sa tuwing panahon ng eleksiyon ay dapat nang magwakas.

Hinihikayat ng Malakanyang ang mga kandidato na tumigil na sa hindi maka-demokratikong pamamaraan o istilo kapalit ng pagkakamit ng tagumpay upang makuha ang poder na tinatarget sa gobyerno.

Ayon kay Panelo kailangang mai-aplay ang buong puwersa ng batas upang mapapanagot ang mga nasa likod ng ganitong uri ng karahasan na nangyayari tuwing election period.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *