Pang. Duterte hindi dapat mabahala sa pagbagsak ng ratings

Hindi dapat mabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbagsak ng kaniyang trust rating.

Ayon kay Senador Vicente Sotto, wala pa namang nangyayaring malaking kapalpakan sa pamumuno ng Pangulo na maaring maging dahilan ng  tuluyang pagkawala ng tiwala ng taumbayan.

Paniwala ni Sotto ang pagbaba ng supora kay Duterte ay dulot lang ng matinding batikos sa Pangulo dahil  sa ginagawa nitong kampanya laban sa iligal na droga.

Hindi lang aniya naiintindihan ng Publiko na ang sinisira ng Pangulo ngayon ay ang backbone ng illegal drugs o ang mga street pusher na ginagamit ng mga drug lord.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us: