Pang. Duterte hinirang ng Boy Scout of the Philippines bilang bagong chief scout

Opisyal nang hinirang ng Boy Scout of the Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Chief Scout sa isang seremonyang isinagawa  sa Malakanyang.

Si pangulong Duterte ang Ika-pitong Chief Scout ng BSP kapalit ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nakasaad sa Presidential Decree number 460 na ang Pangulo ng bansa ay otomatikong chief scout ng Boy Scout of the Philippines.

Ang BSP na may higit dalawang milyong miyembro at ito ang pinakamalaking uniformed youth organization sa bansa na pinamununuan ng bagong National President nito na si Wendell Avisado na pumalit kay dating Vice President Jejomar Binay na 18 taong naging BSP president.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: