Pang. Duterte inaming kaibigan ang may-ari ng Mighty Corporation

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging kaibigan at mistah niya sa Philippine Military Academy ang may- ari ng Mighty Corporation na nahaharap ngayon sa tax evasion case.

Sa pagdiriwang ng ika 35 anibersaryo ng PDP-Laban, sinabi ni Duterte na kapwa sila adopted ng PMA Class 1967 ni Alex Wongchuking, may ari ng Mighty Corporation.

Tiniyak naman ng Pangulo na bilang mistah handa niyang patawarin si Wongchucking kung babayaran nito ang utang na buwis sa gobyerno.

Nauna nang iniutos ng Pangulo ang pag aresto kay Wongchucking sa kasong tax evasion matapos gumamit ng mga pekeng stamp tax sa sigarilyo.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: