Pang. Duterte nakipag heart to heart talk sa mga OFW sa Saudi Arabia
Nakipag heart to heart talk kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Overseas Filipino Worker sa Riyadh Saudi Arabia.
Sa pagbisita ng Pangulo, naging emosyonal ang mga OFW.
Hiniling nila sa Pangulo na magtatag ng isang departamento na tutugon sa pangangailangan ng mga pinoy worker kabilang na mga inaabuso ng kanilang mga amo at nahaharap sa ibat-ibang kaso.
Para matigil rin aniya ang krimen, inirekomenda nila sa Pangulo na magpatupad ng National ID System tulad sa Saudi Arabia.
Pagtyak naman ng Pangulo may ginagawa namang pagbabago sa sistema ng gobyerno lalo na sa kapakanan ng mga mangagawang pinoy na nasa ibang bansa pero kailangan pa rin ang ayuda ng kongreso.
Ang panukala para sa Department of OFW at ID system ay kasalukuyan pang nakapending sa kongreso.
Ulat ni : Mean Corvera