Pang. Duterte, nanguna sa online poll ng TIME Magazine

Hindi naitago ng Malakanyang ang pagkatuwa sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paunang resulta ng online poll ng TIME Magazine para sa pagpili ng ‘Most Influential People in the World’ ngayong taon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, patunay lamang ito na maganda ang pagtangap ng tao sa buong mundo sa  pamumuno ni Duterte lalo na ang paglaban sa iligal na droga.

Dagdag pa ni Panelo, nangangahulugang positibo ang pagkilala ng mga bumoto kay Pangulong Duterte sa kabila ng ingay hinggil sa umano’y human rights violations.

Naniniwala si Panelo na ang pagiging lamang ngayon ni Pangulong Duterte sa early poll ng TIME Magazine ay dapat tingnan sa positibong anggulo at hindi dahil sa kanyang pagiging kontrobersyal.

Sa paunang resulta ng botohan, naungusan ni Pangulong Duterte sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, RnB star Beyonce at German Chancellor Angela Merkel.

Please follow and like us: