Pang. Duterte walang balak tapatan ang unilateral ceasefire na idedeklara ng CPP NPA NDF
Walang balak ang pamahalaan na tapatan ang unilateral ceasefire na planong ideklara ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front o CPP NPA NDF.
Sinabi ni Government Chief Peace Negotiator Silvestre Bello III target ni Pangulong Duterte na magkaroon ng bilateral ceasefire agreement sa halip na unilateral ceasefire.
Ayon kay Bello hindi naman balakid sa usapang pangkapayapaan kung hindi magdedeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan.
Gagawin ang fourth round ng peace talks sa The Netherlands sa April 2 hanggang April 7.
Ayon kay Bello maaring hindi na ang the Norway ang magsilbing referee o facilitator ng peace process kundi ang bansang Switzerland, Canada o Australia.
Tatalakayin sa fourth round ng peace talks ang usapin sa battle zone, revolutionary tax at comprehensive agreement on socio economic reform na itunutiring na pinakamahalagang aspeto sa peace process.
Ulat ni : Vic Somintac