Pang-hapong pasok sa government offices, suspendido na

Suspendido na ang pasok sa mga opisina ng gobyerno simula alas-3:00 ngayong hapon.

Ito ay matapos na na maglabas at lagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum No. 17 na nagsususpinde sa pasok sa government offices.

Subalit hindi kabilang dito ang mga ahensya para sa “basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities.”

Si Medialdea ang tumatayong caretaker ng pamahalaan habang nasa Middle East si Pangulong Rodrigo Duterte para sa state visits nito.

Please follow and like us: