Pangulong Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad, magpupulong sa Malakanyang

Maglikita mamayang hapon sa Malakanyang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad.

Si Prime Minister Mahathir ay nasa bansa para sa dalawang araw na official visit bilang pagpapaunlak sa inbitasyon ni Pangulong Duterte.

Alas-3:00 ng hapon darating sa Palasyo si Prime Minister Mahathir kung saan sasalubungin siya ni Pangulong Duterte with full military honors.

Pagkatapos lumagda ni Prime Minister Mahathir sa guest book ng Malakanyang magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider na masesentro sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Malaysia sa larangan ng ekonomiya at seguridad.

Si Pangulong Duterte ay magsagawa din ng State visit sa Malaysia noong nakaraang taon.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *