Pangulong Duterte babalik ng mas maaga sa bansa mula sa State visit sa Jordan

 

Babalik ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte mula Jordan , isang araw na mas maaga sa orihinal niyang iskedyul.

Ito ang inanunsyo ng Malacañang ngunit wala namang sinabing ispesyal na rason kung bakit babalik nang maaga ang Presidente.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, matatapos ang lahat ng official engagements ng pangulo ngayong Biyernes.

Batay sa orihinal na schedule ng Pangulo , nakatakda itong lumipad pabalik ng bansa Sabado ng gabi at darating ng Linggo ng umaga, ngunit dahil sa pagbabago ay darating na sa Sabado ng umaga sa Davao City ang Presidente.

Ngayong Biyernes,  ang huling aktibidad ng pangulo ay ang pakikipagkita sa Filipino community sa Royal Cultural Palace mamayang alas-7 ng gabi.

Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang Presidente ng bansa na bumisita sa Jordan at maging sa Israel .

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *