Pangulong Duterte, biyaheng Middle East sa semana santa ng mga katoliko

Kasado na ang biyahe ni Pangulong Duterte sa Gitnang Silangan para sa kanyang state visit sa Saudi Arabia, Bahrain, at Qatar.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Jayceelyn Quintana, unang bansang pupuntahan ng Pangulo ang Saudi Arabia mula Abril a-dies hanggang a-dose.

Isusunod nito ang Bahrain mula April 12-14 habang panghuli naman ang Qatar sa April 14 hanggang April 16.

May pagkakataon namang makasalamuha ng mga Pinoy sa tatlong bansang bibisitahin ang Pangulo.

Sa tala ng DFA, abot sa 760 thousand na Pinoy ang nagtratrabaho sa Saudi Arabia, 600 thousand sa Bahrain habang 250 libo naman sa Qatar.

Ulat ni: Vic Somintac



Please follow and like us: